Mga Kadalasang Katanungan (FAQ)
Mga Kadalasang Katanungan (FAQ)
- Wallet
- Pag-charge
- Pagpapadala
- Pagtanggap sa South Korea
- Pagtanggap sa China
- Remittance Certificate
- Pag-log in
- Pagbalik ng pera (refund)
- Remittance Limit
- Corporate Account Remittance
- Iba pang katanungan
Sa China, kailangang kumpletuhin ng tatanggap ng perang padala (remittance) ang pagpapatotoo ng pagkakakilanlan ng tatanggap (recipient) sa pamamagitan ng Alipay app, at saka matatanggap ang pinadalang halaga.
Ang link para sa pagpapatotoo ng pagkakakilanlan ng tatanggap (recipient) ay walang nakatakdang petsa ng pagkawalang bisa (expiration date).
Maaaring may pansamantalang problema sa internet network o nakakonekta pa rin sa dating link ng pagpapatotoo ng pagkakakilanlan ng tatanggap.
Kung kaya’t magpatuloy sa isang bagong internet network environment, isara ng kumpleto ang app bago muling subukan.
Kung may problema pa rin sa pagkonekta matapos subukan ang dalawang hakbang sa itaas, sumangguni agad sa aming Customer Support center at mabilis naming titingnan ang isyu.
Matapos na maipasa ang mga detalye at maaprubahan ito, maari nang magpadala.
Kung mayroon dalawa o higit pang beses ng pagpapadala ng 1,000,000 won, o higit pa, para sa iisang tatanggap (recipient) na hindi pa natitiyak ang pagkakakilanlan, at kung isa sa mga ito ang nakumpleto na ang pagtitiyak ng pagkakakilanlan, maaari lumabas na kumpleto na ang pagtitiyak ng pagkakakilanlan sa app; ngunit kinakailangan mo pa ring magpatuloy sa parehong paraan para sa mga natitira.
Kung ang halagang natanggap ay mas mababa sa 1 milyong won, maari ang pagpapadala nang walang pagpapatotoo ng pagkakakilanlan (verification) ng tatanggap (recipient).
Dahil sa istraktura ng aming sistema, ang mga perang padala na 1 milyong won o higit pa ay hindi maaaring gawin nang walang pagpapatunay ng pagkakakilanlan ng tatanggap.
Maaari ang nangyari ay ang dating halaga ng perang padala ay mas mababa sa 1 milyong won, o maaring nagpadala ka ng higit sa 1 milyong won sa panibagong tatanggap.
Sa CoinShot Japan, upang mapabuti ang kalidad ng aming mga serbisyo, kung ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa ay naantala ng higit sa isang araw, magpapadala kami ng abiso tungkol sa nasabing transaksyon sa nagpadala tulad ng mga tagubilin sa pagpapatotoo ng pagkakakilanlang ng tatanggap at pagkansela ng transaksyon; at maaari rin naming kanselahin ang mga pagpapadala ayon sa aming pagpapasya.
Ang nakanselang halaga na sinubukang ipadala ay ibabalik sa iyong Wallet.
Kung ang tatanggap ay ang sarili (send to own account), maaring patotohanan ang pagkakakilanlan gamit ang iyong Korean ID card.
1. I-click ang “All” sa ibabang kanan ng home screen ng app
2. I-click ang “Remittance History” sa ilalim ng “Remit”
3. Piliin sa listahan ang nangangailangan ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan ng tatanggap (mga padala kung saan ang nakalagay ay “pinoproseso”)
4. I-scroll pababa ng mga detalye ng padala at kopyahin ang verification link para sa pagpapatunay na pangalan sa pinakaibaba
5. Buksan ang kinopyang link sa isang web browser at magpatuloy sa pagpapatunay ng pagkakakilanlang ng tatanggap
Tingnan ang mga detalye ng paraan ng pagkumpirma ng tatanggap:👉 Link (Updating)
Kung ang tatanggap (recipient) ay nasa South Korea, alinsunod sa “Act On Real Name Financial Transactions and Confidentiality”, kung ang halagang tatanggapin ay 1 milyon won (mga 100,000 yen/10 man yen) o higit pa, kailangan ng pagpapatotoo ng pagkakakilanlan (identity verification) ng tatanggap. Mangyaring magpadala ng pera sa tatanggap na maaaring magpatotoo ng kanilang pagkakakilanlan.
Magpapadala kami ng verification link (pagpapatunay) sa pamamagitan ng SMS/text message sa cellphone number ng tatanggap (recipient) na iyong nirehistro.
Ang tatanggap ay dapat i-click ang link ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan at sundan ang mga tagubilin at tumuloy sa pagkumpirma ng mga ID at bank account, atbp.
1. Ipadala ang verification link sa cellphone number ng tatanggap
2. Pagkatapos mabuksan ang link, basahing mabuti ang mga detalye ng perang padala at sumang-ayon sa mga tuntunin at kundisyon (Terms & Conditions)
3. Ipasa ang sariling Korean ID pagkatapos kumuha ng litrato
*Para sa mga Korean – Resident Registration card, Korean driver’s license, Korean passport
*Para sa mga hindi Korean – Alien Registration card, Foreign passport
4. Tiyakin ang pagpasok ng 1 won na deposito sa account ng tagtanggap at ilagay ang 4-digit verification code na nakasulat sa pangalan ng nagdeposito
5. Kumpirmahin ang mga detalye at pagkumpleto ng proseso
Matapos na maipasa ang mga detalye at maaprubahan ito, maari nang magpadala.
Tingnan ang mga detalye ng paraan ng pagkumpirma ng tatanggap: 👉 Link (Updating)
Kung ang tatanggap (recipient) ay nasa South Korea, alinsunod sa “Act On Real Name Financial Transactions and Confidentiality”, nangangailangan ng pagpapatotoo ng pagkakakilanlan (identity verification) ng tatanggap nang isang beses, kung ang halagang tatanggapin ay 1 milyon won (mga 100,000 yen/10 man yen) o higit pa.
Kung nais mong burahin ang iyong account, maaari itong gawin sa loob ng app.
Sundan ang mga sumusunod na mga hakbang at mag-apply sa loob ng app.
1. I-click ang “All” sa ibabang kanan ng home screen ng app.
2. I-click ang “Setting” o gear (enggranahe) na icon sa may itaas na kanan.
3. Piliin ang “Delete account”.
Dahil ang sistema ng palitan (exchange system) ay tinutukoy ng maraming salik, mahirap ipaalam ang panahon ng pagbabago sa halaga ng palitan (exchange rate).
Ang CoinShot Japan ay nagpapatakbo ng sariling sistema ng halaga ng palitan (exchange rate), kaya ang halaga ng palitan ay maaaring maiba mula sa ibinibigay ng mga ibang website o bangko.
Sa kasalukuyan, ang aming pinangangasiwaan ay mga indibidwal na transaksyon lamang at inirerekomenda namin ang pagpapadala ng pera sa tanging mga pinagkakatiwalaang tatanggap (recipient) para sa seguridad ng inyong transaksyong pinansyal.
Sa sandaling makatanggap kami ng ulat ng pinaghihinalaang panloloko (scam), agad naming haharangin ang pagtanggap ng aming serbisyo ng nasabing nanlolokong tatanggap (scammer).
Ngunit paalala lamang na dahil na rin sa kung paano pinoproseso ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa, hindi kami maaring tumanggap ng kahilingan ng refund kapag nakumpleto na ang pagpapadala sa ibang bansa.
Ang CoinShot Japan ay hindi maaaring bumahagi sa mga problema sa pagitan ng mga nagpadala (sender) at mga tatanggap (recipient).
Tiyakin ng mabuti ang mga bagay-bagay bago magpadala ng pera.
Sa kasalukuyan, hindi posibleng magpadala ng pera mula sa South Korea sa Japan sa pamamagitan ng CoinShot Japan app.
Sa halip maaari mong gamitin ang CoinShot Korea app, na maaaring i-download mula sa Korean App Store o sa Korean Google Play store.
Pilipinas – Updating
Ilan sa mga kondisyon ng coupon ay: pagbibigay nito anuman ang halaga ng perang padala, at ang isa pa ay pagbibigay nito kapag ang halaga ng perang padala ay tumugma o higit pa sa tinalagang halaga.
Sa ikalawang kaso, ang coupon ay maaari lamang ibigay sa mga tumutugmang halaga ng perang padala. Kung hindi naibigay ang coupon kahit tumutugma sa mga kundisyon, sumangguni agad sa aming Customer Support center at mabilis naming titingnan ang isyu.
Maliban sa kaso ng ilang mga kaganapan (event) na awtomatikong ibibigay ang coupon, mangyaring ipaalam sa aming Customer Support center ang mga detalye at patunay ng paglahok sa kaganapan, pati na rin ang numero ng iyong Wallet, at ibibigay namin ang coupon sa iyong Wallet pagkatapos makumpirma ito.
Ang pagtiyak ng iyong pagkakakilanlan matapos magparehistro ay makukumpleto matapos matiyak ang iyong binigay na impormasyon at masuri ang iyong mga dokumento (ID, atbp.) na maaaring tumagal ng humigit-kumulang sa isang araw (business day).
Kung sapilitang nagsasara ang app habang nagsusumite ng iyong mga dokumento, o kaya’y nahihirapan sa proseso, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Customer Support center at mabilis naming titingnan ang isyu.
Kami ay nagpaplano na maglunsad ng serbisyong pagpapadala sa mga corporate account sa hinaharap. Ngunit sa kasalukuyan ang aming serbisyong pagpapadala ng pera ay para sa mga individual account lamang. (Pebrero 2024)
Maaaring maglipat ng pera (charge) sa iyong Wallet ng hanggang 1 milyong yen (100 man yen).
Ang mga halaga ng limitasyon sa pagpapadala (send) at pagtanggap (receive) sa ibang bansa mula sa CoinShot Japan ay na-iiba ayon sa bansa.
Para sa pagpapadala sa Pilipinas
-(Updating)
Para sa pagpapadala sa Korea
Ang limitasyon para sa isang beses na remittance ay humigit-kumulang 700,000 JPY (5,000 USD).
Ang pinakamataas na halagang maaring matanggap ay 50,000 USD bawat taon.
*50,000 USD sa bawat tatanggap (recipient)
Para sa pagpapadala sa China
Ang limitasyon para sa isang beses na remittance ay 1,000,000 JPY o mas mababa.
Ang pinakamataas na halagang maaring matanggap ay 50,000 CNY isang beses at 600,000 CNY bawat taon.
*10 beses sa kabuuan sa bawat tatanggap (recipient)
Kung nasi mong mabalik ang pera (refund) mula sa iyong Wallet, maaari itong gawin sa loob ng app.
Sundan ang mga sumusunod na hakbang at mag-apply sa loob ng app.
1. I-click ang “All” sa ibabang kanan ng home screen ng app.
2. I-click ang “Setting” o gear (enggranahe) na icon sa may itaas na kanan.
3. Piliin ang “Wallet refund” at basahin ang mga paalala.
Dahil na rin sa kung paano pinoproseso ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa, hindi kami maaring tumanggap ng kahilingan ng refund kapag nakumpleto na ang pagpapadala sa ibang bansa.
Mangyaring hilingin ang refund nang direkta mula sa tatanggap (recipient).
Kung binago mo ang iyong SNS account na naka-link sa iyong CoinShot Japan account, dahil hindi ka na makakapag-log in sa CoinShot Japan, kakailanganin mo nang gumawa ng bagong account.
Sa paggawa ng bagong account, magiging mahirap na gumawa ng bagong account kung pareho ang iyong numero ng telepono, kaya kung maibibigay mo ang numero ng telepono na nakarehistro sa aming Customer Support center, mababago namin ang impormasyong naunang nakarehistro. Pakihintay ang aming abiso na ang pagbabago ay nakumpleto na bago magpatuloy sa muling pagpaparehistro.
Sa muling pagrerehistro, inirerekomenda namin ito sa pamamagitan ng email. Gayundin, mangyaring magsumite ng ibang Japanese ID mula sa iyong ginamit dati.
(Halimbawa: Dating sinumite ay ang iyong My Number card → Susunod na isusumite ay ang iyong Residence card o Japanese Driver’s license sa muling pagrehistro)
Piliin ang “E-mail Login” at i-click ang “Hanapin ang password” sa ibabang gitna ng login screen, ilagay ang iyong email address at papadalhan ka ng email na may link kung saan maaring i-reset ang password.
I-click ang “Hanapin ang account” sa ibabang gitna ng login screen, ilagay ang iyong cellphone number, at bibigyan ka ng impormasyon ng iyong account na ginamit sa pagrehistro.
Maaari makakuha ng mga Remittance Certificate gamit ang app.
1. I-click ang “All” sa kanang ibaba ng home screen
2. I-click ang “Remittance History” sa ilalim ng “Remit”
3. I-click ang gustong makuhang Remittance Certificate ng perang pinadala
4. I-click ang “Issue Remittance Certificate
5. Piliin ang nais na paraan ng pag-save, halimbawa bilang isang PDF file (maari ring ipadala sa email o iba pang mga app, atbp.)
Kung may nagkaroon ng error habang nagpapadala ng pera, ang mga karaniwang maaaring dahilan ay ang mga sumusunod:
1. Kung iba ang personal na impormasyon at iyong nirehistrong impormasyon ng tatanggap (recipient): Siguraduhing muli ang petsa ng kapanganakan, account name, account number, atbp.
2. Kung iba ang uri ng account ng tatanggap (recipient): Siguraduhin kung anong uri ng account, halimbawa kung Ordinary/Savings na account, atbp.
3. Kung ang bangko ng tatanggap (recipient) ay may maintenance (inspeksyon): Kung may lumabas na error habang nag-iinspeksyon ang bangko ng tatanggap.
*Sa kaso ng mga bangko sa Korea, kadalasan ang inspeksyon ay mula 11:50 n.g. hanggang 00:30 n.u. kinabukasan, kaya kung maari iwasang magpadala ng pera sa oras na ito.
4. Kung ang halagang natanggap ay lumampas na sa taunang limitasyon: Kung ang tatanggap sa South Korea ay lumampas sa taunang limitasyon na $50,000, alinsunod sa itinakda ng Korean Foreign Exchange Transactions Act, ang pagpapadala ng pera ay hindi na posible.
Ipoproseso ang mga pagbalik ng pera (refund) matapos makumpirma ng tagapangasiwa ang error sa pagpapadala. (Paalala na ang mga refund ay gagawin nang manu-mano, hindi awtomatiko.)
Para sa mga perang na naibalik sa iyong Wallet, tiyaking basahin ang mga naaangkop sa itaas at itama ang kailangang impormasyon, o subukang magpadala sa maaring tumanggap ng perang padala.
Kung mayroong mga tanong tungkol sa error habang nagpapadala ng pera, kung maibibigay ninyo sa amin ang numero ng transaksyon kung saan nagkaroon ng error, mas mabilis naming itong maaaksyunan.
Para sa ligtas na transaksyong pinansyal, ang paglagay ng PIN code na iyong itinakda ay palaging kinakailangan tuwing magpapadala.
Ang paraan para i-reset ang iyong PIN number ay ang mga sumusunod.
1. I-click ang “All” sa kanang ibaba ng home screen
2. I-click ang Setting icon sa kanang taas
3. I-click ang “Reset PIN code” sa ibaba ng “Select language”
4. Pagkatapos ma-verify ang numero ng iyong telepono, kumuha ng larawan ng iyong ID card (My Number card) at larawan na kita ang iyong mukha, at isumite ang mga ito
5. Kumpirmasyon at pag-apruba ng tagapangasiwa sa loob ng isang araw (business day)
6. Muling magtakda (reset) ng PIN code
Upang makapagpadala ng pera sa ibang bansa gamit ang CoinShot Japan app, kailangan mo munang mag-charge ng iyong Wallet.
Pagkatapos na mag-charge ng iyong Wallet at kumpirmahin ang iyong balanse sa app, pindutin ang “Start” button sa app at tumuloy sa pagpapadala ng pera.
Ang proseso ng pagpapadala ay ang mga sumusunod na 6 na hakbang:
1. Paglagay ng halaga na ipapadala (remit) at pagtiyak ng halagang matatanggap
2. Paglagay ng coupon code (kung mayroon)
3. Pagrehistro ng impormasyon ng tatanggap o pagpili kung tapos na
4. Pagrehistro ng bank account atbp. ng tatanggap o pagpili kung tapos na
5. Pagtiyak ng detalye ng perang padala (remittance), at paglagay ng “”Purpose”” o paggagamitan at “”Source of Funds”” o pinagmulan ng pondo
6. Paglagay ng iyong PIN code
Pagkatapos ilagay ang PIN code, ang pera ay ipapadala sa account ng tatanggap (recipient) sa loob ng 10 minuto.
Detalyadong paraan ng pag-charge ng Wallet: 👉 Link
Detalyadong paraan ng pagpapadala: 👉 Link
Ang mga maaaring makatanggap ng padala mula sa SMBC Cotra Transfer ay ang mga individual/personal account lamang.
Sapagkat ang iyong Wallet account ay isang virtual account na ibinigay ng aming kumpanya, kaya hindi ito isang individual/personal account, kaya hindi maaring magpadala ng pera dito.
Kung mali ang nailagay mong pangalan ng tatanggap (recipient) sa LINE Pay, maaaring bumalik ang sinubukang ilipat na halaga pabalik sa LINE Pay.
Kapag nailagay na pangalan ng tatanggap (振込先の口座名義) ay “カ)フィンショット”, magkakaroon ng error kung ang ilalagay na panaklong sa half-width (karaniwan) sa halip na full-width (malawak). Kailangang palitan ang mga half-width na impormasyon at gawing full-width bago magpatuloy.
Halimbawa: カ)フィンショット (half-width) → カ)フィンショット (full-width) *Malawak ang panaklong “)”
Kung may pagkaantala sa paglabas ng charge, ang mga maaaring dahilan ay ang mga sumusunod:
1. Kung maglilipat ng pera sa oras ng bank maintenance (inspeksyon), lalabas ito kinabukasan o sa susunod na araw ng pagbabangko (next business day).
*Mga oras ng inspeksyon: 2:00 n.u. – 4:00 n.u. araw-araw at 7:00 n.g. ng Linggo hanggang 8:00 n.u. ng susunod na Lunes
2. Kung mali ang naipasok na detalye ng Wallet, maaari itong pumasok sa account ng ibang customer.
Kaya’t kung ang nasa iyong kasaysayan ng pagpapdala at sariling Wallet number ay magkaiba, sumangguni kaagad sa aming Customer Support center.
3. Kung ang bangko na ginamit para sa paglipat ng pera ay Mitsubishi UFJ Bank at hindi ka pa nag-apply para sa “Real-time Payment Service” (即時振込サービス), ang paglipat ay gagawin kinabukasan o sa susunod na araw ng pagbabangko (next business day).
Paano mag-apply ng “Real-time Payment Service” (即時振込サービス) ng Mitsubishi UFJ Bank (MUFG): 👉 Link
4. Kung hindi agad naproseso ng bangko ang paglipat ng pera
Sa mga sistema ng mga bangko sa Japan, ang balanse ay makikita kaagad pagkatapos ng paglipat, pati na rin kung ang paglilipat ay nakumpleto. Ngunit ang oras ng aplikasyon (request) ng paglipat ng pera at ang aktwal na oras ng pagproseso nito ay magkaiba.
Ang aktwal na proseso ng paglilipat ng pera ay ginaganap sa bangko at ang pagpasok ng pera sa aming bangko ay karaniwang tumatagal ng mga 10 minuto, subalit maaaring maantala ang pagproseso ng paglipat ng pera para sa ilang mga bangko. Kung sakaling mangyari ito, makipag-ugnayan sa aming Customer Support center at titingnan namin kung ang iyong nilipat na pera ay natanggap na sa aming bangko.
Pagkatapos makumpleto ang paglipat ng pera sa iyong Wallet account, ang halaga ng charge ay awtomatikong lalabas karaniwan sa loob ng 10 minuto pagkatapos makumpirma ang nilipat na pera sa aming bangko. Paalala lamang na ang paglilipat ay maaaring maantala ng higit sa 10 minuto dahil sa mga kadahilanang pang-bangko.
Dahil sa bank maintenance (inspeksyon ng mga transaksyon), sa pagitan ng 2:00 n.u. at 4:00 n.u. araw-araw, at mula 7:00 n.g. ng Linggo hanggang 8:00 n.u. ng susunod na Lunes, ang iyong charge (dineposito) ay awtomatikong papasol sa susunod na umaga/pagkatapos ng bank maintenance.
Maaring maglipat (charge) ng nais na halaga sa iyong virtual bank account (SMBC) na lalabas sa pagpili ng “Charge” button sa may Home screen ng app.
Ang paglilipat ng pera ay maaaring gawin sa anumang paraan tulad ng internet/online banking, sa ATM sa mga convenience store, atbp. ng iyong ginagamit na bangko.
Ang iyong nilipat na halaga ay awtomatikong papasok sa nasabing account sa loob ng 10 minuto pagkatapos nito. At kung nais makumpirma agad ang iyong nilipat, siguraduhin ang oras ng paglipat sa napiling paraan ng paglipat.
(Tiyakin kung mapoproseso ba ang deposito sa susunod na araw, o ang oras ng paglilipat ng pera ng ATM ng mga convenience store, atbp.)
*Paalala kapag ang gamit na bangko ay Mitsubishi UFJ Bank (MUFG)
Kung hindi ka pa nag-apply ng “Real-time Payment Service” (即時振込サービス), ipoproseso ng bangko ang iyong paglipat sa susunod na araw (next business day). Kung nais mailipat sa iyong virtual bank account sa parehong araw ng pagpapadala, mangyaring tandaan ang serbisyong ito at mag-apply gamit ng iyong Mitsubishi UFJ Bank Internet/Online Banking.
Paano mag-apply ng “Real-time Payment Service” (即時振込サービス) ng Mitsubishi UFJ Bank (MUFG): 👉 Link
Detalyadong paraan ng pag-charge ng Wallet :👉 Link
Ang iyong Wallet account ay hindi nakatalaga o naka-link na account sa iyo, sa halip ito ay isang eksklusibo sa iyo na pansamantalang (virtual) transfer/deposit account na ibinigay para lamang sa pag-charge o paglipat ng pondo, kaya hindi maaring baguhin ang iyong bangko o pangalan. Kapag nag-charge ng iyong Wallet, siguraduhin ang numero ng Wallet ay parahas ng nakalagay sa app, at maaari ring gumamit ng kahit anong institusyong pinansyal (bangko) kapag nag-charge ng iyong Wallet.
Ang “Wallet” ay isang virtual (pansamantala) na account na para lamang sa iyo upang magamit ang aming mga serbisyo.
Ang natatanging ‘Wallet Number’ ay ibibigay lamang sa bawat user/customer.
Upang makapagpadala ng pera sa ibang bansa, mag-charge muna ng iyong wallet ng halagang nais ipadala sa ibang bansa, at pagkatapos ay maari nang gamitin ang ipinasang halaga na makikita sa app bilang iyong balanse sa pagpapadala sa ibang bansa.
Sa pag-gamit ng serbisyo ng Wallet upang magpadala ng pera sa ibang bansa, maaaring magpadala ng pera kahit na sa oras ng bank maintenance (inspeksyon), at maaari ring magpadala ng mabilis (real-time) ayon sa nais na exchange rate, kahit pa araw ng kapistahan (holiday) o Sabado/Linggo.
Impormasyon tungkol sa mga bansa kung saan maaring magpadala
Impormasyon tungkol sa mga bansa kung saan maaring magpadala