Tungkol sa aplikasyon ng pagbawas sa buwis para sa kapamilya na naninirahan sa ibang bansa o Application for (Change in) Exemption for Dependents of Employment Income Earner
(Tax Deduction)

Mabuhay!
Mula sa 24 hours a day/real-time Japan to Philippines Remittance Service CoinShot Japan po :D​
Malapit na ang magtapos ang taong 2024!
Upang mabawasan ang pasanin ng patuloy na tumataas na buwis,
ipapaliwanag namin ang maaring pagbawas sa buwis (tax deduction) tuwing katapusan ng taon (‘nenmatsu chousei’): Eksempsyon ng mga kapamilya na naninirahan sa labas ng Japan,
at ipababatid sa inyo kung paano maghanda ng mga dokumento mula sa CoinShot Japan.

Application for (Change in) Exemption for Dependents of Employment Income Earner

Una sa lahat, para saan ba ang ang ‘Pagbawas sa buwis para sa mga kapamilya’?
Ito ay nangangahulugan na kung ang isang nagbabayad ng buwis ay may mga dependiyente (pamilyang sinusuportahan),
ang sistemang ito ay nagbibigay ng tiyak na halaga ng pagbawas sa buwis (tax deduction) depende sa bilang ng mga dependiyente.
Sa Japan, ang buwis sa kinita (income tax o shotokuzei) at ang buwis sa paninirahan (resident tax o juumin-zei) ay ibinabawas sa bawat sahod,
Ngunit kung mayroon kang sinusuportahang miyembro ng pamilya, maaari ibawas ang halaga ng buwis para sa mga umaasang kapamilya.

Mga kundisyon

May ilang kundisyon ang ‘Pagbawas sa buwis para sa mga kapamilya’.
Ang mga kundisyon nito batay sa mga pamantayan ng taong ito (para sa taong 2025) ang ay mga sumusunod. 🙂

Kapamilya na nasa ilalim ng pangangalaga na kuwalipikado sa pagbabawas
1. (Hindi residente ng Japan) Kapamilya na 16 taong gulang at pataas at wala pang 30 taong gulang (ipinanganak sa pagitan ng Enero 2, 1996 hanggang Enero 1, 2010)
2. (Hindi residente ng Japan) Kapamilya na 70 taong gulang pataas (ipinanganak noong Enero 1, 1956 o bago nito)
3. (Hindi residente ng Japan) Kapamilya na 30 taong gulang pataas at wala pang 70 taong gulang (ipinanganak sa pagitan Enero 2, 1956 hanggang Enero 1, 1996)
✔️ Mga nawalan ng address o tinitirahan sa loob ng Japan dahil sa pag-aaral sa ibang bansa
✔️ Mga may kapansanan
✔️ Mga pinapadalhan mo ng 380,000 yen pataas sa loob ng taong 2025 para sa gastusin para sa pamumuhay o gastusin para sa edukasyon

Kuha mula sa website ng Japan National Tax Agency (NTA): https://www.nta.go.jp/taxes/tetsuzuki/shinsei/annai/gensen/pdf/r07_01_fi.pdf

Halaga ng bawas

Magkano ang bawas sa buwis ang maaring kong makuha?
Maaaring iparehistro ang maraming dependiyente para sa pagbabawas sa buwis, at ang halaga ay naiiba ayon sa kanilang edad. 🙂

Edad Kategorya Halaga
16 – 18 taong gulang; o 23 – 69 taong gulang Karaniwang pagbawas 380,000 yen
19 – 22 taong gulang Espesipikong pagbawas 630,000 yen
70 taong gulang o pataas Pagbawas para sa mga nakakatanda (Hindi kasamang naninirahan) 480,000 yen
*Pagbawas para sa mga nakakatanda (Kasamang naninirahan) 580,000 yen

Pagbawas para sa mga nakakatanda (Kasamang naninirahan):
Mga matatandang kapamilya (mga magulang, lolo’t lola, atbp.) na umaasa nang direkta sa nagbabayad ng buwis o kanyang asawa, AT kasamang nakatira ng nagbabayad ng buwis o ng kanyang asawa.

Mga kinakailangang dokumento

Ang mga dokumentong kinakailangan para sa aplikasyon ng pagbawas sa buwis para sa mga dependiyente:
Kailangan ng tatlong (3) dokumento: patunay ng mga kaugnayan sa mga kapamilya na naninirahan sa ibang bansa, ang application form (nasa itaas), at ang remittance certificate (dokumento ng pagpapadala ng pera).
Ang mga dokumento ng patunay ay ang iyong Rehistro ng pamilya (‘kosekitouhon’) + kopya ng pasaporte ng mga kapamilya,
o maaari ring magsumite ng sertipiko ng relasyon sa pamilya (family relationship certificate).
Pakitandaan na kung ang mga ipapasang dokumento ay nakasulat sa wikang banyaga (halimbawa ay Tagalog o Ingles),
kinakailangan ang pagsasalin ng mga ito sa Japanese.

① Kopya ng iyong Rehistro ng pamilya (‘kosekitouhon’), o dokumentong inisyu ng Japan o lokal na pamahalaan, at kasama ang kopya ng pasaporte ng asawa o mga dependiyente.
② Mga dokumentong inisyu ng ibang bansa o mga lokal na pamahalaan ng ibang bansa (halimbawa Pilipinas)
(Tanging mga dokumento na may nakasulat na pangalan, petsa ng kapanganakan, at tirahan o tinutuluyan ng asawa o mga dependiyente.)

Ipinamamahagi ng iyong kumpanya ang application form,
o maari ding makakuha nito mula sa tanggapan ng buwis sa iyong munisipalidad sa oras na magpasa (file) ka ng pansariling buwis (individual tax return).

Sa mga may dependiyente edad 30 – 69 taong gulang na nakatanggap ng perang padala ng 380,000 yen o higit pa at hindi nagsumite ng remittance certificate, dahil hindi maaaring magpasa para sa pagbawas ng buwis, kakailanganin mo ng remittance certificate na nagpapakita ng halaga ng remittance na 380,000 yen (o higit pa) na hindi kasama ang mga remittance fee.

Samakatuwid, kailangan magsumite ng mga dokumento, o kopya nito, galing sa institusyong pinansyal kung saan ginawa ang transaksyon ng pagpapalitan ng pera sa ibang bansa,
na magpapatunay ng pagpapapdala ng pera sa mga kapamilya na nasa ibang bansa ang mismong nagpadala.

★Kung may dalawa o higit pang dependiyente na nakatira sa ibang bansa,
ang dokumentong (Remittance Certificate) nauugnay sa pagpapadala ng pera na nagkakahalaga ng 380,000 yen o higit pa ay dapat isumite para sa bawat isa sa mga dependiyente na naninirahan sa ibang bansa kung saan angkop ang pagbawas sa buwis.
(Kung ipinadala nang magkakahiwalay, maaari kang magsumite ng sertipiko ng bawat isa.)

Mga hakbang sa pagkuha ng Remittance Certificate sa CoinShot Japan

Sa oras na ito, maaari mong isipin na walang saysay ang pagtitipid ng buwis kung magbabayad ka ng mataas na bayad sa pagpapadala ng pera (remittance).
Ngunit kapag nagpadala ka ng pera sa pamamagitan ng CoinShot Japan,
500 yen lamang ang babayaran!
Dahil ang CoinShot Japan ay isang institusyong pampinansyal na nagbibigay ng patunay ng pagpapadala ng pera (Remittance Certificate), makakapagpadala ka ng pera nang may kumpiyansa!

*Ang CoinShot Japan ay isang ‘Funds Transfer Service Provider’ na nabibilang sa mga institusyong pampinansyal na sumusunod sa mga nakatala sa Artikulo 2, Talata 3 ng “Act on Submission of Statement of Overseas Wire Transfers for Purpose of Securing Proper Domestic Taxation” (Act No. 59 of 2009).

1. Pindutin ang “”History”” mula sa ibaba ng home screen ng app.
2. Piliin sa mga perang padala (overseas remittance) na nais mong makakuha ng Remittance Certificate.

3. Pindutin ang berdeng button na “Issue Remittance Certificate” sa itaas na bahagi ng “Remittance list details”.

4. I-save (o ipadala) ito sa paraan (format) na kailangan.
Maari mo itong maipadala sa pamamagitan ng email, text message, o sa iba’t ibang SNS, atbp.,
at pagkatapos ay maaari mong tiyakin ang nilalaman, o pindutin ang “Save to Files” upang mailagay ito sa isang folder sa iyong smartphone.

Kahit na nagmamadali sa paghanda ng mga dokumento sa katapusan ng taon,
sa CoinShot Japan, 365 days a year/24 hours a day – kahit kailan, sa loob lang ng 10 minuto, mabilis kang makakapagpadala ng pera gamit ang app!💸

At napakadali din ng proseso ng pagkuha ng Remittance Certificate.
Hindi na kailangang magsulat! Makukuha kaagad ito sa ilang pagpindot lang sa loob ng app!

#PhilippineRemittanceFromJapan #JapanLaborer #JapanTax #SaveOnJapanTax #DependentFamilyException #ForeignSpouse #YearEndSettlement

Maaring magpadala ng pera nang mura,
at madali lang ding makakuha ng mga Remittance Certificate gamit ang app,
kaya bakit hindi subukang gamitin ang CoinShot Japan para sa paghanda ng iyong aplikasyon sa pagbawas ng buwis para sa mga dependiyente? 💕

Contact Us (Tagalog)
LINE: @759qkdpy
Facebook: CoinShot Japan Japan → Philippines
Instagram: coinshot_jp_ph
Tel No.: 050-6875-7881
Email: support_ph@finshot.co.jp

👇Download CoinShot Japan App👇

#PhilippineRemittanceFromJapan #JapanLaborer #JapanTax #SaveOnJapanTax #DependentFamilyException #ForeignSpouse #YearEndSettlement