#JapanBankAccountTransfer #MUFJBank #BankTransfer #InstantTransfer #三菱UFJ銀行

Mabuhay! Mula sa 24 hours a day/real-time Japan to Philippines Remittance Service ​CoinShot Japan po :D​
Ngayon ay nais kong ipaliwanag sa inyo kung paano magparehistro para sa “Real-time Payment Service” (即時振込サービス) ng Mitsubishi UFJ Bank, isa sa mga pangunahing bangko ng Japan.

Bakit hindi nag-charge sa Wallet ko?

Ang isa sa mga pinagkaiba at pinagmamalaki naming serbisyo ay ang maaari mong gamitin ang iyong Wallet upang magpadala ng pera ng “real-time” (mabilisan) at sa anumang oras ng Lunes hanggang Biyernes o kahit Sabado/Linggo; ngunit minsan ay nakakatanggap kami ng katanungan tulad ng “Bakit hindi ako makapag-charge ng Wallet tuwing Sabado/Linggo?”.

Isa sa mga dahilan nito ay maari lamang ang real-time na paglilipat ng pera (bank transfer) sa Mitsubishi UFJ Bank ng hanggang 3:00 n.h. ng Lunes – Biyernes, at ang mga paglilipat ng pera tuwing Sabdo/Linggo ay mapoproseso sa susunod na Lunes. Dahil dito, naantala rin ang pagkumpirma ng deposito sa aming kumpanya, at nagiging Lunes na ang pagpasok (charge) sa Wallet.

Ano ang “Interbank Payments System”?

Una, nais kong ipaliwanag nang simple ang “Interbank Payments System” (Sistema ng pagbabayad sa mga bangko) ng Japan.

Hanggang kamakailan lamang, ang mga bangko sa Japan ay hindi maaring maglipat ng mga pondo sa isa’t-isa, 24 oras sa isang araw. 🤔 (Ang mga transaksyon pagkalipas ng 3pm ay ipoproseso kinabukasan)
Sa kasalukuyan, ang mga bangkong kasapi ng “Interbank Payments System” ay makakapaglipat ng pondo 24 oras sa isang araw!
Lahat ng mga malalaking bangko sa Japan ay kasapi sa sistemang ito!

Ngunit kung ang Mitsubishi UFJ Bank ay kasapi sa sistemang ito,
bakit hindi makapaglipat ng pera ang mga customer pagkalipas ng 3:00 n.h. ng Lunes hanggang Biyernes at tuwing Sabado/Linggo? 🤔

Real-time Payment Service (即時振込サービス)

Ang dahilan kung bakit ay inalis ng bangko ang kakayahang (function) maglipat ng pera 24 oras sa isang araw at ginawa itong kailangang piliin (optional).

Ngunit hindi kailangang mag-alala nang labis! Dahil hindi ginagawang mahirap o magastos ang proseso ng pagpaparehistro 😁

Ang opsyong ito ay tinatawag na “Real-time Payment Service (即時振込サービス)”!

Halina’t tingnan nating ang mga hakbang kung paano ito gawin.
(*Ang mga sumusunod na hakbang ay ang pagpaparehistro sa pamamagitan ng internet/online banking gamit ang isang computer. Maari rin itong gawin sa app ng Mitsubishi UFJ Bank.)

Mga hakbang upang magparehistro sa “Real-time Payment Service” ng Mitsubishi UFJ Bank (MUFG)

1. Pumunta sa website ng Mitsubishi UFJ Bank at i-click ang “Log in” button

2. Pagkatapos ilagay ang iyong impormasyon, mag-log in

3. I-click ang “Mga pamamaraan” (各種手続) menu sa ibaba ng iyong balanse

4. I-click ang “Register/Delete Real-time Payment (Service)” (即時振込の登録·解除) button sa ilalim ng “Basic Services” (基本サービス)

5. Matapos basahin at sumang-ayon sa mga detalye ng serbisyo, i-click ang “Register/Delete” (登録·解除) button

6. I-click ang “Avail” (利用する) button ng Real-time Payment Service (即時振込サービス) at pagkatapos ay i-click ang “Next” (次へ) button

7. Ipasok ang OTP (One-Time Password) mula sa iyong Mitsubishi UFJ Bank app sa iyong smartphone

8. Tapos na ang pagpaparehistro

Tulad ng nasa itaas, napakadali lang ng pagpaparehistro!
Sa mga gumagamit ng Mitsubishi UFJ Bank, kung nagparehistro para sa serbisyong ito, maari nang maglipat ng pera kahit anong oras.
Siyempre, maaari mo ring ma-charge ang iyong Wallet kahit anong oras! 😁

Halina’t maglipat ng pera mula sa Mitsubishi UFJ Bank at mag-enjoy sa real-time na perang padala papuntang Pilipinas gamit ang CoinShot Japan💖

Contact Us (Tagalog)
LINE: @759qkdpy
Facebook: CoinShot Japan Japan → Philippines
Instagram: coinshot_jp_ph
Tel No.: 050-6875-7881
Email: support_ph@finshot.co.jp

👇CoinShot Japan download👇

#PhilippineRemittanceFromJapan #RemittanceFromJapan #YenRemittance #JapanOverseasRemittance #RemittanceFromJapanToPhilippines #RemittanceJapanPhilippines #RealTimeRemittanceFromJapan
#JapanOverseasRemittanceService #JapanRemittanceFee #RemittanceToPhilippines #PhilippineOverseasRemittance #OverseasRemittanceToPhilippines #RemittanceForDailyExpenses #FastRemittanceFromJapan
#Japan24HoursOverseasRemittance #JapanCheapOverseasRemittance #JapanSameDayRemittance #JapanWeekendRemittance #JapanHolidayRemittance #OverseasRemittanceApp #JapanFintech #TipsForLivingInJapan