Maaring maglipat (charge) ng nais na halaga sa iyong virtual bank account (SMBC) na lalabas sa pagpili ng “Charge” button sa may Home screen ng app.
Ang paglilipat ng pera ay maaaring gawin sa anumang paraan tulad ng internet/online banking, sa ATM sa mga convenience store, atbp. ng iyong ginagamit na bangko.
Ang iyong nilipat na halaga ay awtomatikong papasok sa nasabing account sa loob ng 10 minuto pagkatapos nito. At kung nais makumpirma agad ang iyong nilipat, siguraduhin ang oras ng paglipat sa napiling paraan ng paglipat.
(Tiyakin kung mapoproseso ba ang deposito sa susunod na araw, o ang oras ng paglilipat ng pera ng ATM ng mga convenience store, atbp.)

*Paalala kapag ang gamit na bangko ay Mitsubishi UFJ Bank (MUFG)
Kung hindi ka pa nag-apply ng “Real-time Payment Service” (即時振込サービス), ipoproseso ng bangko ang iyong paglipat sa susunod na araw (next business day). Kung nais mailipat sa iyong virtual bank account sa parehong araw ng pagpapadala, mangyaring tandaan ang serbisyong ito at mag-apply gamit ng iyong Mitsubishi UFJ Bank Internet/Online Banking.

Paano mag-apply ng “Real-time Payment Service” (即時振込サービス) ng Mitsubishi UFJ Bank (MUFG): 👉 Link
Detalyadong paraan ng pag-charge ng Wallet :👉 Link