Kung may pagkaantala sa paglabas ng charge, ang mga maaaring dahilan ay ang mga sumusunod:

1. Kung maglilipat ng pera sa oras ng bank maintenance (inspeksyon), lalabas ito kinabukasan o sa susunod na araw ng pagbabangko (next business day).
*Mga oras ng inspeksyon: 2:00 n.u. – 4:00 n.u. araw-araw at 7:00 n.g. ng Linggo hanggang 8:00 n.u. ng susunod na Lunes

2. Kung mali ang naipasok na detalye ng Wallet, maaari itong pumasok sa account ng ibang customer.
Kaya’t kung ang nasa iyong kasaysayan ng pagpapdala at sariling Wallet number ay magkaiba, sumangguni kaagad sa aming Customer Support center.

3. Kung ang bangko na ginamit para sa paglipat ng pera ay Mitsubishi UFJ Bank at hindi ka pa nag-apply para sa “Real-time Payment Service” (即時振込サービス), ang paglipat ay gagawin kinabukasan o sa susunod na araw ng pagbabangko (next business day).
Paano mag-apply ng “Real-time Payment Service” (即時振込サービス) ng Mitsubishi UFJ Bank (MUFG): 👉 Link

4. Kung hindi agad naproseso ng bangko ang paglipat ng pera
Sa mga sistema ng mga bangko sa Japan, ang balanse ay makikita kaagad pagkatapos ng paglipat, pati na rin kung ang paglilipat ay nakumpleto. Ngunit ang oras ng aplikasyon (request) ng paglipat ng pera at ang aktwal na oras ng pagproseso nito ay magkaiba.
Ang aktwal na proseso ng paglilipat ng pera ay ginaganap sa bangko at ang pagpasok ng pera sa aming bangko ay karaniwang tumatagal ng mga 10 minuto, subalit maaaring maantala ang pagproseso ng paglipat ng pera para sa ilang mga bangko. Kung sakaling mangyari ito, makipag-ugnayan sa aming Customer Support center at titingnan namin kung ang iyong nilipat na pera ay natanggap na sa aming bangko.