Kung may nagkaroon ng error habang nagpapadala ng pera, ang mga karaniwang maaaring dahilan ay ang mga sumusunod:
1. Kung iba ang personal na impormasyon at iyong nirehistrong impormasyon ng tatanggap (recipient): Siguraduhing muli ang petsa ng kapanganakan, account name, account number, atbp.
2. Kung iba ang uri ng account ng tatanggap (recipient): Siguraduhin kung anong uri ng account, halimbawa kung Ordinary/Savings na account, atbp.
3. Kung ang bangko ng tatanggap (recipient) ay may maintenance (inspeksyon): Kung may lumabas na error habang nag-iinspeksyon ang bangko ng tatanggap.
*Sa kaso ng mga bangko sa Korea, kadalasan ang inspeksyon ay mula 11:50 n.g. hanggang 00:30 n.u. kinabukasan, kaya kung maari iwasang magpadala ng pera sa oras na ito.
4. Kung ang halagang natanggap ay lumampas na sa taunang limitasyon: Kung ang tatanggap sa South Korea ay lumampas sa taunang limitasyon na $50,000, alinsunod sa itinakda ng Korean Foreign Exchange Transactions Act, ang pagpapadala ng pera ay hindi na posible.
Ipoproseso ang mga pagbalik ng pera (refund) matapos makumpirma ng tagapangasiwa ang error sa pagpapadala. (Paalala na ang mga refund ay gagawin nang manu-mano, hindi awtomatiko.)
Para sa mga perang na naibalik sa iyong Wallet, tiyaking basahin ang mga naaangkop sa itaas at itama ang kailangang impormasyon, o subukang magpadala sa maaring tumanggap ng perang padala.
Kung mayroong mga tanong tungkol sa error habang nagpapadala ng pera, kung maibibigay ninyo sa amin ang numero ng transaksyon kung saan nagkaroon ng error, mas mabilis naming itong maaaksyunan.